A kwento i shared to my w@wie friends...
"hahaha...grabe...where do i start? cge, i'll share my kwento as it happened chronologically. april 29, we had to go to clowns in q.ave to check out this band na
niha-hire si simon as keyboardist. i wont mention the name of the band, pero mejo sikat kc. di namin tinanggap coz its not his line of music and mejo vulgar ang adlibs ng vocalist. So anyway, 12mn na, binati ko sya syempre, then, maya-maya, he was checking his fone...tas sabi ko "why?" sabi nya, "walang nag-gigreet sa ken?" (hehe, yun ang akala nya!) then, may first w@wie greeter sya, si YNA! hi mare, tnx. tas uwi na kme ng mga 230am. while i was in the ofc, ang mga sisters nya nag-aayos sa house nila. and mga 930am tumawag si h2b sa ken, sabi nya: "beh, grabe, ang
daming nag-gigreet sa ken. ano ba ito?! as in! ang dami mong nauto ha." hahahaha. sabi ko, dami pa susunod dyan. di nya ma-replyan lahat kc super dami daw tlga. yun daw ata pinakamarami nyang greetings in life nya. at take note, "mga pinag-isipan daw ang mga messages" di daw basta-basta greet. hehe. but he was able to save all of the msgs, di ko pa nga nababasa eh.
tas, may time pa na nag-aaway na sa house nila kc bka daw umuwi si simon in the afternoon, eh yung mga chairs makikita na nasa labas. hehehe. syempre, buking yun! buti na lang, sabi ko kay h2b mag-malling muna at intayin na lang me sa house.
when i went home, ang plan, kunwari hahatid namin parents namin sa subdivision nila kc may kilala kme na reflexologist na lapit lang sa house nila. then, punta na lang kme sa house nila para mag-dinner. as simple as that. mejo accepted nya na kc na wala masyadong drama ang bday nya dahil titipid tlga kme. ask ni simon mom ko na dun mag-dinner sa kanila. sabi ng mom ko, "ayyy, anong meron?!" hallleeerrr..nasobrahan ata ng acting si mader! tas sabi pa nya, "o cge, pero after kc ng pahilot namin, may pupuntahan pa kmeng graduation eh." halllleeerrr ulit!!! graduation at 7:30 in the evening! ano kaya yun?! eto tlgang momskie ko, the best, kinareer ang acting. eto pa, dalawa pa kotse namin papunta dun kc nagdala rin pala ng kotse ang mokong. aba, syempre di sya pwede mauna sa ken noh. kc baka pag nauna sya, di ko makikita reaction
nya, diba?! so sa car ko, mom ko nakasakay, sa car naman nila, dad ko. when we were driving, naunahan pako. syempre, binilisan ko at nag overtake ang lola nyo! nyahahaha. tas eto pa ulit, tinanong ni simon dad ko bat daw pupunta dun sa reflexologist, sabi ng dad ko,"ah eto ksing balikat ko, sumasakit tlga eh,
kelangan pahilot."(naks! yan ang acting! kaya lang sablay kc mega naka-porma silang dalawa eh papahilot lang naman. hehe.)
so, pag dating sa gate ng subd. nila, nagpa-ring na me. sabi sis nya, "bebs, wag mo pagpapark si simon ha, makikita nya yung set-up." so what i did, niharangan ko gate nila. pag dating ko dun, ang galing, wala ako makita kahit isang kotse! lahat mga five houses away nakapark...ang saya! tas eto pa, nahirapan pa si simon mag-park kc siniksik ko sya sa isang sulok...eh nagtatago na lahat ng visitors, tas ang candle
unti-unti ng nauubos...hahaha tlga! pag pasok namin...kanta sila...kala ni simon friends from church lang, surprise sya to see friends from college, my childhood friends, and long-lost friends pang iba. di na sya naka-imik. napayakap na lang sa ken ng mahigpit! as in! nakalimutan na nga i-blow ang candle eh. hehe, pero nag-blow pa rin sya. tas, party all night long. there were games, pinoy henyo(kme ang
champion! everyone was so amazed to see us get the answers right! as in, kahit mahirap na yung huhulaan namin, kuha pa rin. iba daw tlga ang connection namin.), charades, Mcdo balloon game, and syempre...Videoke galore!!! the best tlga! the party
ended at 2am. bagsak kmeng lahat, as in! pero sabi ni simon, "beh, this is the best bithday ever! you've made my dream party come true!" pangarap nya tlga mag
children's party na pang-matanda. hehe. sa sobrang love nya ko, laging kiss ng kiss at yakap ng yakap in front of our families. ano ba ito?! kinilig syempre
ako noh?!
mga sis, napahaba na ito. pero super thank you for your greetings, as in! you have no idea how much your texts added spice in his bday.
nga pala, sa sobrang saya ni beh, nilagnat na, ngayon lang. hehehe. ayun, nasa taas, papahinga. dito kc sya nag-sleep last night eh. uy, sleep lang yun ha.
hehehe. muah! love you all. "
...until now, everytime we talk about it, he gives out an extraordinary smile in his eyes na nakaka-comfort to know that i made him really happy that day. everything really paid off...thank you Lord for giving me Simon.
No comments:
Post a Comment